MANILA, Philippines – Maaari nang kumuha ng dual citizenship ang mga Pilipinong ipinanganak at pinalaki sa Germany, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes.
Sinabi ng DFA na inamyendahan ng Germany ang kanilang citizenship law, kung saan ibinasura na ang kailangang pagpili ng iisa lamang citizenship para sa mga batang ipinanganak sa Germany ngunit dayuhan ang magulang.
Ang mga batang ipinanganak mula noong Enero 1, 2000 o nananalagi sa Germany ng higit sa walong taon ang maaaring makakuha ng dual citizenship sa edad na 21 pataas.
Nakasaad pa sa batas ng Germany na ang mga batang hindi Aleman ang magulang ay kinakailangan higit walong taon na nasa kanilagn bansa, nakapag-aral sa kanila ng higit anim na taon, o nagtapos sa isa sa kanilang mga paaaralan upang makakuha ng dual citizenship.
Philippine Ambassador to Germany Melita Sta. Maria-Thomeczek noted that the new citizenship law allows Filipino-Germany youth to identify themselves to their parent's homeland.
Headlines ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
“The changes to the immigration law are important in ensuring that Germany continues to be an open and multicultural society," pahayag ni Philippine Ambassador to Germany Melita Sta. Maria-Thomeczek.