^

Bansa

Deportation case vs Smartmatic prexy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod umano ng pang-iinsulto sa mga Pilipinong election watchdog, sinampa­han ng deportation case ng grupong Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) si Cesar Flores, presidente ng technology provider na Smartmatic Asia.

Ayon kay C3E spokesperson Dave Diwa,  maghahain sila ng Summary Deportation Order laban kay Flores sa Bureau of Immigration (BI)  dahil umano sa paninira nito nang bansagan sila bilang mga “sitting syndicate.”

Pinaratangan din anya sila nitong nagtatrabaho para sa kalabang kumpan­ya ng Smartmatic.

Dagdag ni C3E co-convenor Melchor Magdamo, minaliit din ng Smartmatic official ang mga Pilipinong information technology experts sa pagsasabing hindi kaya ng mga itong magsagawa ng diagnostic test sa mga precinct count optical (PCOS) machines na gagamitin sa 2016 elections.

Magugunitang una nang binalak ng grupo ang pagharang sa Korte Suprema ng umano’y maanomalyang awarding ng kontrata ng Commission on Elections (Co­melec) sa Smartmatic para sa pagsasagawa ng diagnostics sa 80,000 lumang PCOS machines.

BUREAU OF IMMIGRATION

CESAR FLORES

CLEAN AND CREDIBLE ELECTIONS

DAVE DIWA

KORTE SUPREMA

MELCHOR MAGDAMO

PILIPINONG

SMARTMATIC

SMARTMATIC ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with