Store owner inutas ng tandem

MANILA, Philippines – Napatay ang 66-anyos na store owner makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Piaz, bayaan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo at idineklarang patay sa Polymedic Hospital and Trauma Center ang  biktimang si Gloria de Guzman. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nakikipag-usap sa kapitbahay ang biktima nang biglang lapitan at ratratin ng backrider na mabilis namang tumakas.

Show comments