Sinapit ng SAF 44 ‘di dapat solong akuin ni Napeñas - Poe
MANILA, Philippines – Hindi dapat akuin ng sinibak na si PNP-SAF Director Getulio Napeñas ang responsibilidad sa sinapit ng 44 miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Sen. Grace Poe, lalong hindi kay Napeñas dapat solong ibunton ang sisi sa pagkasawi ng SAF 44 na napaslang sa engkwentro sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang isilbi ng mga ito ng warrant of arrest laban kay Marwan at Basit Usman.
Naunang inihayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa naunang public hearing na hindi siya naniniwala na si Napeñas lamang ang nasa likod ng Oplan Exodus habang inihayag naman ni Sen. Serge Osmena na ‘fally guy’ lamang si Napeñas.
Ipagpapatuloy ngayong umaga ng Senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ni Poe ang pagdinig hinggil sa Mamasapano incident.
- Latest