^

Bansa

PNoy di nagsasabi ng totoo sa Mamasapano

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Hindi pala sinasabi ng Pangulo ang buong katotohanan tungkol sa Mamasapano?”

Ito ang kinukuwestyon kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) interim President Toby Tiangco kaugnay ng pahayag kamakalawa ni Communications Secretary Sonny Coloma na sasabihin ni Pangulong Aquino ang katotohanan sa tamang panahon.

“Isa itong direktang pagtatapat na hindi sinasabi ni PNoy ang katotohanan hinggil sa insidente sa Mamasapano sa dalawa niyang talumpati.

Walang tinatawag na katotohanan sa tamang panahon. Kaila­ngang sabihin ngayon ang katotohanan,” sabi ni Tiangco.

Idinagdag ni Tiangco na ang unang bagay na dapat sabihin ng Pangulo ay ang buong katotoha­nan hinggil sa insidente. “Isang kasinungalingan ang kalahating katotohanan. Utang niya ang katotohanan sa pamil­ya ng 44 at sa buong bansa.”

Sa susunod na linggo anya, isang buwan na ang nakaraan mula nang mamasaker ang 44 miyembro ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Nakakalungkot anya na wala pang pagkilos sa paghahanap ng katotohanan, kung sino ang dapat managot at ng katarungan. Ngayon, inaamin ng Malacañang na hindi matapat ang Pangulo hinggil sa kanyang nalalaman.

Pinuna ni Tiangco na nagbunga lang ng marami pang tanong sa halip na kasagutan ang imbestigasyon ng Kongreso.

“Para sa mga karaniwang tagamasid sa im­bestigasyon ng Kongreso, parang ang ilang makaadministrasyong mambabatas ay itinutulak lang ng political partisanship at personal na ambisyon kaysa ng paghahanap ng katotohanan at hustisya,” sabi pa ni Tiangco.

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

KATOTOHANAN

KONGRESO

MAMASAPANO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT TOBY TIANGCO

SPECIAL ACTION FORCE

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with