^

Bansa

MILF binibeybi ng gobyerno

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

FORT DEL PILAR, BAGUIO City, Philippines – Malamya, kulang sa ngipin ng batas at mistulang bini-beybi pa ng gobyerno ang pag-aksyon laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa pagmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos.

Ayon kay dating Marine Commandant ret. Major Gen. Emmanuel Teodosio sa pagdalo nito sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa lungsod na ito kahapon, nakamasid ang buong mundo at nagiging katawa-tawa na ang Pilipinas dahil sa mahinang pag-aksyon at kawalan ng disposisyon ni PNoy upang magdesisyon ng tama at ipakita na ang gobyerno ang dapat ma­naig at hindi ibeybi ang mga kaaway.

“The government must have a firm stand on the case of the MILF, the world is watching us, nagiging katawa-tawa na tayo dahil mahina ang gobyerno,” aniya sa halip na magteka-teka muna, magpakita ng kahinaan na tila nalilito kung ano ang magiging aksyon laban sa mga kalaban ng estado.

Tinukoy nito ang matigas na paninindigan sa ginawang aksyon ng pamahalaan ng Jordan laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) matapos na pugutan ng ulo ang isa nilang piloto.

Si Teodosio ay dating commander ng 1st Marine Brigade na nakabase sa Maguindanao at kabilang sa naglunsad ng all-out war laban sa MILF noong panahon ni dating Pangulong Erap Estrada.

Magugunita na bago inutos ni Erap ang all-out war sa MILF ay sinabi nitong ang kaaway ay hindi binibeybi sa halip ay pinipisa.

Dagdag pa ni Teodosio na kung sinasabi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kailangan muna ng mga ito ng rematch bago isoli ang 10 sa mga armas na kanilang kinuha sa SAF ay dapat ibigay ito ng gobyerno sa halip na balewalain ito.

“If they want rematch then be it, unleash the dogs of war, send the Philippine Marines,” sabi pa ni Teodosio.

ALUMNI HOMECOMING

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

EMMANUEL TEODOSIO

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

MAJOR GEN

MARINE BRIGADE

MARINE COMMANDANT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ERAP ESTRADA

PHILIPPINE MARINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with