BIFF ‘di isosoli ang armas ng SAF ng walang rematch
MANILA, Philippines - “Parang boxing eto, di namin isosoli ang baril ng SAF ng walang rematch!”
Ito ang mariing sinabi kahapon ni Abu Misry, spokesman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bilang tugon sa panawagan ng Philippine National Police (PNP) na isoli ang nalalabi pa nilang mga armas na hawak ng kanilang mga kalaban.
Una nang inihayag ng BIFF na 10 baril ng napaslang na SAF commandos ay nasa kanilang pag-iingat matapos makumpiska sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
“Kumbaga sa boxing knockdown sila (SAF commandos) sa amin na etong 10 firearms na nakuha namin, di namin isosoli ng walang rematch,” pahayag ni Misry sa isang radio interview na sinabing nakuha nila ang mga baril at hindi naman nila hiniram.
Aniya, ayaw nilang isoli ang nasabing mga armas dahil gagamitin nila ito na pambaril sa security forces na magtatangkang pumasok sa kanilang balwarte.
Nasa 64 ang mga armas ng SAF commandos na tinangay ng mga kalaban kung saan 16 pa lamang dito ang naibabalik ng MILF na kinangkong na ang mga piyesa at high tech gadgets na nakakabit dito.
- Latest