MANILA, Philippines – Nanawagan sa Comelec ang mga Bulakenyo na agad na ipatupad ang en banc decision na nag-uutos ng recall laban kay Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado dahil umano sa lack of trust and confidence.
Duda kasi ang petitioner na si Perlita Mendoza na delaying tactics ni Atty. Elmo Duque, Bulacan Provincial Election Supervisor, ang pagkakabimbin ng implementasyon ng recall order na inilabas noon pang Enero 30, 2015.
Sa nasabing recall order, may memorandum na inilabas si Dep. Executive Director for Operations Atty. Bartolome Sinocruz Jr., na nag-aatas kay Duque na isilbi na ang kopya ng summary of votes sa petitioner at kay Alvarado.
Sabi ni Mendoza, dapat lamang na maipatupad na ang Comelec en banc order at dapat masunod ang tunay na boses ng mga Bulakenyo.
Si Mendoza, ang main petitioner laban kay Alvarado sa dahilang loss of confidence ng mga umano’y graft and corrupt practices. May 319,707 Bulakenyos ang pumirma.