MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang taon, binayaran na ng Estados Unidos ang $2.2 milyon (P87 M)pinsalang nilikha ng USS Guardian na sumadsad sa Tubbataha Reef sa Palawan noong Enero 2013.
“The United States deeply regrets the incident at the Tubbataha Reef and the damage caused to the reef and has agreed to the total amount of compensation requested by the Philippine government of P87 million ($2.02 million US dollars), “ ayon sa kalatas ng US Embassy.
Nabatid na P58 M ang mapupunta sa Tubbataha at P29 M naman ay para sa sinisingil ng Philippine Coast Guard sa serbisyo nito dahil may mga nasirang mga bangka at maging sa fuel na ginamit.
“The compensation will be utilized for the protection and rehabilitation of Tubbataha Reef Natural Park, a UNESCO World Heritage Site. Portions of the fund will also be used to further enhance capability to monitor the area and prevent similar incidents in the future.”
Nagpasalamat naman ang US sa pamahalaan dahil sa ginawang masusing koordinasyon upang matugunan ang nasabing insidente, na nagpapakita anila ng matibay at malalim na alyansa at pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang nabanggit na bansa.
Magugunita na sumadsad noong Enero 17, 2013 ang minesweeper USS Guardian sa Tubbataha Reef at matapos ang pagtaya sa pinsala ay pumayag ang US government noong Oktubre 2014 na magbayad ng danyos.