^

Bansa

Personal na gamit ng SAF 44 pinasosoli rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat bawiin din ng gobyerno ang mga personal na gamit ng mga pulis katulad ng mga cellphones, wedding rings at mga pitaka.

Naniniwala si Sen. Ralph Recto na maha­laga sa pamilya ng mga napaslang na SAF na maibalik sa kanila ang mga personal na gamit ng mga mahal nila sa buhay tulad ng cellphone, relo, wedding rings, pitaka na naglalaman ng mga litrato ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang mga baril umano ay pag-aari ng gobyerno pero ang mga personal na gamit ay tiyak na mas gugustuhing makuha ng mga naiwang pamilya.

Dapat rin aniyang magkaroon ng protocol sa pagbabalik ng mga gamit lalo pa’t 16 na baril pa lamang ang naisosoli.

“Nandyan pa rin ang napabalitang 139 body armors, GPS tracker units, hand grenades at night vision goggles na nawawala... There was also the reported loss of close to 700 magazines,” sabi ni Recto.

Hindi aniya maituturing na “trophies of battles” ang mga nakulimbat na gamit ng mga napatay na SAF kung totoong “partners in peace” ang gobyerno at ang MILF na nagbubuo pa ng Bangsamoro Basic Law.

“Dapat maklaro din kung alin, ilan at anu-ano ang mga natangay ng BIFF(Bangsamoro Islamic Freedom Fighter). Hindi pwedeng i-charge sa mga sibilyan ang ibang nawawalang mga gamit,” pahayag ni Recto.

Mas mahirap aniyang paniwalaan ngayon na mga ordinaryong sibilyan ang nakakuha ng ibang gamit dahil ang MILF at ang BIFF fighters ang unang nakakita sa mga SAF na nagtungo sa Mamasapano, Maguindanao.

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

DAPAT

GAMIT

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

NANDYAN

RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with