MANILA, Philippines —Hindi maaapektuhan ng tsunami ang Pilipinas kasunod ng magnitude 6.9 na lindol sa Honshu, Japan, ayon sa state volcanology bureau ngayong Martes.
"There is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake," pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaninang 7:20 ng umaga.
Naitala ng Phivolcs ang lindol sa Japan ganap na 7:05 ng umaga. May lalim ito na 10 kilometro.
"No destructive Pacific-wide threat exist based on the historical and tsunami data," sabi ng Phivolcs.
Tinatayang nasa 3,000 kilometro ang layo ng Pilipinas sa sentro ng lindol.