Ilang gamit ng SAF 44 isinoli ng sibilyan

MANILA, Philippines – Isinauli ng sibilyan ang ilang gamit ng mga nasawing Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) nang maganap ang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang buwan.

Isang kevlar helmet, ballistic plate at radio communication device ang ibinalik ng sibilyan sa mga awtoridad nitong Sabado, ayon sa ulat ng ABS-CBN News Channel.

Tumangging magpakilala ang sibilyan na residente ng Barangay Tukalanipao sa Mamasapano.

Dadalhin ang mga ibinalik na gamit ng PNP sa Criminal Investigation and Detection Group sa Central Mindanao.

Nauna nang nakiusap si PNP officer-in-charge Director General Leonardo Espina sa Moro Islamic Liberation Front na ibalik ang mga gamit ng mga nasawing pulis.

Bukod sa mga armas, kinuha rin ng mga rebelde ang mga cellphone ng SAF 44.

Sinabi ng MILF na ibabalik nila ang mga nakuhang gamit.

 

Show comments