LEGAZPI CITY, Philippines – Pinarangalan ng Department of Agriculture (DA) ang Albay bilang “Oustanding Province” sa Bicol sa ilalim ng 2014 Gawad Saka Agri-Pinoy Rice Achievers’ Award (APRAA), para kilalanin ang 93.7% na rice sufficiency ng lalawigan.
Ikalawang parangal ito ng Albay matapos kilalanin din ito noong nakaraang taon kung kailan natamo ang 92.83% rice sufficiency nito.
Sumulong ng halos 50% ang produksyon ng bigas ng lalawigan sa nakaraang pitong taon – 228,080 metric tons nitong 2014 mula 147,900 metric tons noong 2007.
Hinakot ng Albay ang 18 sa 35 karangalang ipinagkaloob ng 2014 APRAA Awards na ginanap sa Plaza Hotel sa Naga City kamakailan.
Ayon kay Salceda, layunin nila ang matamo ang 100% rice sufficiency sa 2016.
Bukod sa palay, kinikilala rin ang Albay bilang pangalawang may pinakamalaking ani ng kamote sa bansa at sinisikap na maging “geonet capital” ng mundo.