^

Bansa

Tamang asal sa House hearing hingi ng solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Isabela Rep. Rodito Albano sa mga kapwa mambabatas sa Kamara na magpakita ng tamang asal sa ginagawang pagdinig sa Mamasapano masaker.

Sabi ni Albano, hindi dapat magpadala sa kanilang emosyon ang mga kongresista na dulot ng malagim na insidente at sa halip ay dapat na magpakahinahon ang mga ito.

Kailangan din umanong panatilihin ng mga kongresista ang parliamentary conduct at sundin ang ground rules ng kanilang imbestigasyon.

Sa kabila nito, dapat pa rin umanong ituloy ng Kamara ang imbestigasyon hanggang hindi nailalabas ang katotohanan dito upang masiguro na mabibigyan ng nararapat na hustisya ang SAF 44.

Ang pahayag ni Albano ay kasunod ng batikos sa mga kongresista dahil sa nagmistulang palengke ang unang araw ng imbestigasyon. 

Sa nasabing pagdinig nag-agawan ng eksena, nagtaasan ng boses at nagkabarahan pa ang mga kongresista.

ALBANO

ISABELA REP

KAILANGAN

KAMARA

KONGRESISTA

MAMASAPANO

RODITO ALBANO

SABI

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with