Mamasapano hearing tatapusin na ng Senado

Special Action Force commander police Chief Superintendent Getulio Napeñas. Senate PRIB

MANILA, Philippines - Balak ni Senator Grace Poe na tapusin na ang pagdinig sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF.

Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, bukod sa tatlong beses na pagdinig ng Senado, nagkaroon pa sila ng isang executive session kung saan humarap ang dalawang nakaligtas na sina Supt. Raymond Train at PO2 Christopher Lalan.

Sinabi ni Poe na re-rebyuhin rin niya ang transcripts ng kabuuan ng naging pagdinig sa Senado.

Binanggit ni Poe na nabigyan naman ng pagkakataon ang lahat ng mga senador na dumalo sa pagdinig na makapagtanong sa mga ipinatawag nilang opisyal ng gobyerno at maging sa kinatawan ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF).

Naniniwala si Poe na natalakay sa nakaraang 3 beses na hearing ang mga mahahalagang isyu na may kinalaman sa Mamasapano masaker.

Bukod sa tatlong beses na pagdinig sa Senado nagsagawa rin ng hiwalay na hearing ang Kamara.

Show comments