MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Quezon City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte ang isang resolusyon na nagbibigay parangal sa naging dedikasyon at katapangan ng Fallen 44.
Isa sa 44 na nasawing SAF si PO3 Andres Duque Jr. ay taga Quezon City.
Matapos maaprubahan ang resolusyon, naiprisinta ng konseho sa pamamagitan ni Presiding Officer Belmonte ang commendation kay Melanie Duque, misis ng nasawing si PO3 Duque. Kaakibat ng parangal ay tumanggap din ng financial assistance si Mrs. Duque mula sa QC Council.
“Hindi man po kalakihan ang tulong na ipinaabot namin sa inyo, maipagmamalaki naman po namin na ito ay galing sa aming mga puso,”ayon kay Belmonte.
Sinabi pa ni Belmonte sa mga naiwang pamilya ng Fallen 44 na ang QC ay katulong nila sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng naturang SAF commandos.
Katulong ni Vice Mayor Belmonte sa pagpresenta sa resolusyon si P/SSupt. Amando Clifton Empiso, acting chief for the Directorial Staff ng Special Action Force.
“We would like to thank the QC Council for reaching out to the families of fallen officers. The outpouring of support continues to inspire us to move on,” pahayag naman ni Empiso.