^

Bansa

CHR hinamon ng VACC: Kondenahin ang MILF sa masaker ng SAF 44!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) si Commission on Human Rights (CHR) chair Etta Rosales na magpalabas ng pagkondena hinggil sa brutal na pamamaslang ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa SAF commandos. 

Ayon kay VACC board of trustees Boy Evangelista, bahag ang buntot ng CHR dahil puro pulis at militar lamang ang kaya nitong kondenahin gaya ng lagi nitong ginagawa sa nakalipas na panahon. 

Sinabi ni Evangelista na dapat patunayan ng CHR ang kanyang mandato na tagapag-masid ng paglabag sa karapatang pantao ng lahat ng Pilipin, Muslim man o Kristiyano. 

Paliwanag ni Evangelista, ang video na kumakalat sa social media ay patunay na barbaric at hindi makatao ang pamamaraan ng pagpatay ng MILF na aniyay maitu­turing na ngayong isang terorista. 

Anya, nangilabot siya nang mapanood ang video­ kung paano ka-brutal na pinatay ng isang hinihinalang MILF ang naghihingalong SAF trooper.

Batid anya ng buong mundo na ang pamamaraan ng terorista ay barba­ric at hindi makataong pagpatay na kanyang nakita ngayon sa hanay ng MILF. 

Dahil dito, dapat anyang mag-isip-isip ang gobyerno sa patuloy na pagsulong sa Bangsamoro Basic Law dahil nakakatakot umanong magtiwala sa isang grupo na walang sinseridad sa usaping kapayapaan sa bansa.

vuukle comment

ANYA

BANGSAMORO BASIC LAW

BOY EVANGELISTA

ETTA ROSALES

EVANGELISTA

HUMAN RIGHTS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

VOLUNTEER AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with