Kudeta vs PNoy mabibigo
MANILA, Philippines - Mabibigo ang anumang pagtatangka na ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Aquino.
Ito ang tiniyak kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kasunod ng pagbubulgar ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may malaking grupo umano ang nagpaplano ng kudeta laban sa gobyernong Aquino na pinopondohan ng isang mayamang tao na kilala ng publiko.
“We are confident that no AFP (officers & personnels) will be involved in this coup de etat,” pahayag ni Gazmin.
“I have intelligence as of yesterday that leaders of certain alphabet soup acronyms who are familiar with the public had a recent meeting, because they wanted to discuss how to stage a coup d’etat, who should be installed as president, and even their contributors were there,” sabi ni Santiago sa ikatlong araw ng pagdinig ng Senado sa Mamasapano masaker na ikinasawi ng SAF 44.
Iginiit ni Santiago kay Gazmin na dapat arestuhin nito ang nagpa-plano ng kudeta.
Paalala ni Santiago na ang kudeta na may tatlong stages ay isang krimen at ang pagpa-plano pa lamang nito ay may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code.
“All of those planners should be arrested immediately because like any other crime under the penal code, the crime of coup d’etat has three stages, attempted, frustrated, (at) consummated…So arestuhin na sila dapat,” ani Santiago kay Gazmin.
Dagdag ni Santiago na sa kabila ng pagbatikos niya sa Pangulo naniniwala siya na dapat matapos niya ang kanyang termino at hindi sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa kanya sa posisyon.
“No matter how bitterly I criticize President Aquino, I am a lawyer and I still remain standing behind the rule of law…If he should leave his office, let him leave at a proper time but not by extralegal means,” ani Santiago.
Kinumpirma naman ni Gazmin na alam nila ang nasabing plano bagaman bineberipika pa rin nila ang ulat.
Pero tiniyak rin ni Gazmin na hindi susuportahan ng militar ang nasabing kudeta laban sa Presidente. Kinakailangan aniya ng suporta ng military para makapag-lunsad ng kudeta.
Sinabi naman ni AFP Spokesman Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, natuto na sa kasaysayan ng mga bigong kudeta ang mga opisyal at tauhan ng AFP para lumahok sa anumang uri ng destabilisasyon laban sa gobyerno dahil propesyunal ang mga sundalo.
Sakaling may mga grupo na mag-recruit ng mga sundalo para makiisa sa planong kudeta ay mabibigo ang mga ito at wala rin silang panahon sa aniya’y mga tsismis na coup plot.
- Latest