MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon ay humarap na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohagher Iqbal sa pagdinig ng Senado kaugnay ng Mamasapano clash.
Hindi dinaluhan ni Iqbal ang unang dalawang pagdinig ng Senado nitong Lunes at Martes, gayundin ang imbestigasyon ng Kamara kahapon.
Nauna nang sinabi ni Iqbal na haharap lamang siya sa imbestigasyon ng Kongreso kapag tapos na ang kanilang sariling pagsisiyasat sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police.
Sinabi kahapon ni Senate President Franklin Drilon na makaaapekto sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law ang hindi pagdalo ni Iqbal sa mga pagdinig.
Naging isyu naman ang sinabi ni Iqbal sa liham niya kay Sen. Grace Poe kung saan nakasaad na nananatili silang revolutionary group sa kabila ng usaping pangkapayapaan:
Naalarma dito si Sen. Bongbong Marcos at hinihingian ng paliwanag ang MILF.