MANILA, Philippines – Nagtungo ang ilang pamilya ng nasawing miyembro ng PNP-SAF 44 sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte kahapon.
Personal na nakaharap ang mga ito ni Speaker Belmonte kung saan tiniyak sa kanila ang buong suporta ng Kamara sa paghahanap ng katarungan at katotohanan sa naganap na Mamasapano tragedy.
Karamihan sa mga nagtungo sa Kamara ay mula sa Mt. Province at pinakamarami rin sa mga namatay na SAF ay galing sa Cordillera Region.
Kumpyansa naman si Belmonte na mananaig ang katotohanan.
Sa ngayon nasa 3.8 milyon na ang kanilang nalilikom, subalit hindi pa nila ito maibigay sa mga kaanak ng SAF 44 dahil target ng Kamara na makalikom ng P4 milyon
Ito ay para mabigyan ng tig-isang daang libong piso ang bawat pamilya.
Ang kontribusyon ay mula umano sa sariling bulsa ng mga kongresista at mga empleyado ng Kamara.