^

Bansa

Mga Pinoy sa HK binalaan sa flu

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala kahapon ang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong sa mga Pinoy travelers na mag-ingat laban sa paglaganap ng sakit na influenza o trangkaso sa nasabing Chinese territory.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, mula sa huling tala ng Centre for Health Protection ng Hong Kong nitong Pebrero 5, umaabot na sa 118 katao na tinamaan ng nasabing sakit ang nasawi habang 187 naman ang may seryosong kaso ngayong taon.

Sinabi sa ulat na ang influenza o flu ay isang acute illness ng respiratory tract dahil sa influenza virus.

Nabatid na karaniwang lumalaganap ang nasabing sakit mula Enero hanggang Marso at Hulyo hanggang Agosto sa Hong Kong.

Mula sa tatlong tipo o klase ng influenza virus na A, B, C, ang Influenza A o H1N1 virus ang nagiging isa sa mga seasonal influenza strain sa Hong Kong.

Kasalukuyan umanong naka-monitor ang Konsulado sa kaganapan at pinapayuhan ang publiko na tingnan ang kaso ng influenza sa CHP webpage www.chp.gov.ph o kaya ay tumawag sa hotline 2125-1111.

AGOSTO

AYON

ENERO

HEALTH PROTECTION

HONG KONG

HULYO

INFLUENZA

INFLUENZA A

KONSULADO

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with