MILF kalaban pa rin ng gobyerno?
MANILA, Philippines – Naalarma si Senador Bongbong Marcos sa naging pahayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel chairman Mohagher Iqbal kaugnay ng hindi pagdalo sa imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano clash.
Sinabi ni Iqbal sa kanyang liham kay Sen. Grace Poe na nananatili silang “revolutionary organization” hangga't hindi pa napatutupad ang kasunduang pangkapayapaan.
"While we may have signed of peace agreement with the Philippine government after 18 years of intermittent war and negotiations that peace agreement is yet to be implemented," nakasaad sa liham ni Iqbal.
"Until the peace agreement is fully implemented, we will remain to be a revolutionary organization," dagdag niya.
Nais ni Marcos na magpaliwanag ang MILF sa sinabi ni Iqbal.
"It is in direct contradiction to what was told to us ... On the hearings on [Bangsamoro Basic Law], we are told that we are in a condition between the MILF and the Philippine government where there is a cessation of military action or revolutionary action," pahayag ni Marcos.
"This is alarming, an alarming development that we have returned to war with the MILF. That is worrisome and I hope that the chairman [Iqbal] will find time to come and explain precisely what this language means," dagdag ng senador.
Hindi pa rin dumalo sa imbestigasyon ng Senado si Iqbal dahil aniya'y kailangan muna matapos ang kanilang sariling imbestigasyon na siya niyang gagamitin sa pagharap sa isang closed-door Senate executive session.
- Latest