MANILA, Philippines – Bukod sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), nasa 250 tauhan naman ang namatay sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sinabi ng nasibak na SAF commander Getulio Napeñas na marami rin ang nalagas sa hanay ng MILF at BIFF nang makaengkwentro nila nitong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.
Iginiit ng nasibak na pinuno na batikan sa pakikipaglaban ang mga nasawing SAF.
BASAHIN: 'SAF operations laging bigo 'pag pinapaalam sa AFP'
"They know what they're doing and know what to do in times of adversity and hostility. Had it been otherwise, the combined force of the MILF and BIFF and other private armed groups would have not suffered at least 250 casualties in the midst of the firefight that took place almost the whole day," pahayag ni Napeñas.
Aniya nasa 150 kalaban ang nabaril ng SAF assault group, habang ayon naman sa isa sa mga nakaligtas na si Psupt. Raymond Train na nasa 25 katao ang kanyang nabaril, at nasa 20 kalaban naman ang naitumba ng snipers.
"Had the artillery support we requested arrived on time, the situation would have been entirely different," paliwanag niya.
BASAHIN: Hindi ako 'bata' ni Purisima - Napeñas
Nasawi ang 44 miyembro ng SAF habang tinutugis sina Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, at Basit Usman.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa insidente.