MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng nasibak na Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas ang kanyang sarili ngayong Lunes mula sa mga paratang na dikit siya sa nagbitiw na Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.
Iginiit ni Napeñas na nagsumikap siya upang marating ang noo'y posisyon na pinuno ng SAF.
"I was not and will never be a 'bata' of anyone," pahayag ni Napeñas.
"I can look to anyone... and tell him face-to-face that I worked my way up the ladder and not because of my connections but because of my performance, perseverance, dedication, credibility, dignity and integrity," dagdag niya.
Sinabi ni Napeñas na naging boss lamang niya si Purisima nang maging hepe ang nagbitiw na pulis.
Ipinaliwanag din niya na noong 2010 pa niya tinatrabaho ang kaso ni Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Umabot sa 44 miyembro ng SAF ang nasawi matapos makaengkwentro ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindano.