^

Bansa

Binay nagpaabot ng P100K sa bawat Mamasapano survivor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagbigay ng tulong pinansyal si Bise Presidente Jejomar Binay at ang kanyang pamilya sa 15 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na nakaligtas sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang buwan.

Inimbitahan ng pamilyang Binay, kabilang ang Bise Presidente, Sen. Nancy Binay at Makati City Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay ang mga nakaligtas na PNP-SAF para sa isang tanghalian, kung saan iniabot ang P100,000 tulong.

"Having learned that those who survived may no longer be able to go back to active duty because of their injuries, we have decided to raise the amount to P100,000 [from P50,000]," paliwanag ng nakatatandang Binay.

"We hope it can help cover the family's expenditures on their treatment and therapy," dagdag niya.

Kaparehong halaga ng pera ang iniabot ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Makati sa 44 pamilya ng mga nasawing miyembro ng SAF.

BINAY

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

INIMBITAHAN

JUNJUN

KAPAREHONG

MAGUINDANAO

MAKATI

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR ERWIN

NANCY BINAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with