SAF ‘toothpick’ lang ang armas, MILF machine gun

MANILA, Philippines – Toothpick lang kung ikukumpara sa malalakas na machine gun na hawak ng mga rebeldeng MILF ang armas ng Special Action Force (SAF) na lumusob sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon sa Army official na tumangging magpakilala at eksperto sa ‘tactical operations’, sa armas pa lang na lumang M16 rifles at sniper rifles na bitbit ng mga SAF commandos ay dehado na ang mga ito sa M60 machine gun, M50 at M30 grenade launcher ng mga nakasagupang rebelde.

“It’s too hard to survive in such kind of operations, they penetrated the rebel stronghold, their just more than 70 compared to at least 1,000 MILF rebels,” ayon sa opisyal kaya halos naubos ang puwersa ng dalawang SAF companies na lumusob sa lugar.

“Kawawa talaga sila na-pin down ng mga kalaban, suicidal yung mission,” anang Army Special Forces officer na sinabing mali ang istratehiya ng ground commander ng SAF na inutusan ang kaniyang mga tauhan na pasukin ang kuta ng MILF na sinasabing pinagtataguan ng mga te­roristang sina Zulkipli bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

Bukod sa kawalan ng koordinasyon ng SAF ground commander ay dinaan pa raw nito sa text message ang paghingi ng saklolo sa tropa ng militar sa mismong oras na napapalaban na ang elite forces nito.

“Were (AFP) were not a part of the planning mission, humihingi sila ng reinforcement nagbabakbakan at pin-down na ang SAF commandos, it’s a choreograph chaos, kumbaga sa dancing di kami kasama sa practice pero gusto nila sumama kami sa performance,” giit pa ng opisyal.

Kung malaking puwer­sa ang kalaban ay dapat isinaalang-alang rin umano ang ‘air support’ na huli na rin daw ng hilingin ng SAF.

Show comments