Mga kongresista nag-ambagan para sa naulila ng SAF 44

MANILA, Philippines – Nagkanya-kanyang dukot sa sarili nilang mga bulsa ang mga kongresista bilang tulong sa mga naulila ng 44 SAF men na minasaker sa Mamasapano, Maguin­danao.

Sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte, sobra-sobra pa sa P10,000 requirement ang ibinigay ng ibang kongresista. May nag-abot aniya ng P150,000 dahil nagkataong sweldo.

Una nang naglabas ng resolusyon ang Kamara na magbibigay ng tig-P10,000 ang bawat kongresista bilang tulong pinansyal sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.

Show comments