‘Bomb scare’, namamayani sa Eastern Mindanao
MANILA, Philippines – Binabalot ngayon ng ‘bomb scare’ ang mga residente ng silangang Mindanao matapos na kumalat sa text messages na maglulunsad ng serye ng pambobomba sa mga urban centers sa lugar ang mga teroristang grupo.
Sa kumakalat na text messages, kabilang umano sa target ng pagpapasabog ay ang Davao del Norte, Compostella Valley at CARAGA Region.
Dahil dito, nanawagan naman ang AFP Eastern Mindanao Command sa publiko na manatiling mahinahon at huwag basta maniwala sa mapanakot na text messages.
Nabatid na sa kumakalat na text messages ay sinasabing sa military intelligence umano nagmula ang impormasyon sa planong pagsasagawa ng pambobomba.
“The text circulating about bomb threats in Mindanao are meant to cause undue panic and scare to the public. There’s no truth that it is being disseminated by the Armed Forces of the Philippines Intelligence,” pahayag ni AFP Eastern Mindanao Spokesman Major Ezra Balagtey.
“Rest assured that the AFP and the Philippine National Police are doing their best to prevent any atrocity by lawless elements. Let us all unite to preserve and respect the primacy of the peace process,” ang sabi pa ng opisyal. Idinagdag pa nito na nakaalerto ang tropa ng pamahalaan laban sa mga posibleng pananabotahe sa peace and order na maaaring isagawa ng mga masasamang elemento.
- Latest