MANILA, Philippines – Naghain ang liderato ng Kamara ng isang resolution para sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ng Fallen 44 na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa House resolution 1865, nina House Speaker Feliciano Belmonte, Majority Leader Neptali Gonzales at Accounts Committee chairman Jesus Madrona, nakasaad dito ang pagkaltas ng tig P10,000 mula sa sahod ng mga kongresista.
Subalit kailanggang magboluntaryo muna ang mga kongresista na magdo donate sa mga biktima bago ito ibawas sa kanilang sweldo.
Sinabi naman ni Gonzales, ito ang paraan nilang mga kongresista para ipaabot ang pasasalamat sa malaking sakripisyo ng Fallen 44 para sa bansa,
Matatandaan na may hiwalay na resolusyon para dito ang mga kongresista na dating pulis at sundalo habang marami din resolusyon ang naihain na kumukondena sa insidente at humihiling ng imbestigasyon dito.