^

Bansa

Libu-libong pulis nag-Sympathy Walk

Lordeth Bonilla, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong alumni ng Philippine National Police Academy (PNPA), kabilang ang mga aktibo at wala na sa serbisyo ang nakiisa sa martsa bilang pakikidalamhati at pakikisimpatiya sa 44 nasawing PNP-SAF commandos.

Ito’y kasabay ng idi­neklarang ‘National Day of Mourning’ ng pamahalaan sa malagim na pagkamatay ng SAF sa kamay ng mga rebeldeng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao.

Ang “Sympathy Walk” ay isinagawa mula Fort Bonifacio patungong Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Bukod sa mga pulis, sumama rin ang mga mi­yembro ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa martsa na nagsimula alas-6 ng umaga. 

May dalang bulaklak at mga placard ang ilan sa mga naglakad habang nag­lagay ng itim na band sa kanilang mga badge. ?Uma­bot sa isang kilometro ang haba ng mga nakiisa sa “unity walk.”

Matapos ang dalawang oras, nakarating ang unahan ng martsa sa Camp Bagong Diwa kung saan nakahimlay ang 42 nasawi.

Nang makarating sa Bagong Diwa, nagdasal at nag-alay ng bulaklak ang grupo saka bumalik sa kanilang mga duty.

Samantala naglunsad din ng martsa para sa simpatya at hustisya ang mahigit 500 pulis sa Cebu para sa PNP-SAF members.

BAGONG DIWA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMP BAGONG DIWA

FORT BONIFACIO

NATIONAL DAY OF MOURNING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

SYMPATHY WALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with