^

Bansa

SAF 44 lumaban din sa Zambo siege

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lang sa Mamasapano, Maguindanao ipinakita ng mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Forces (SAF) ang kanilang katapangan at pagsisilbi sa bayan kundi maging sa Zamboanga siege kung saan sila sumabak noong Setyembre 2013.

Sa eulogy ng commanding officers ng SAF, ibinahagi nila ang katapangan at kahusayan ng mga nasawing kabaro.

“This SAF fallen comrades are also the heroes of the Zamboaga siege way back September 2013,” banggit ni Supt. Abraham Abayari, commanding officer ng Rapid Deployment Battalion.

“Sila ang isa sa mga unit na naatasan kong lumusob at kumuha sa isang objective kung saan mahigit kumulang sa 20 terorista ang nagtatago sa limang bahayan sa lugar na nagngangalang Tres Alaz kasama ang mga civilian hostage,” pag-alala ni Col. Danilo Pamonag, pinuno ng Light Reaction Regiment.

Pagmamalaki nito, dalawa man ang nasawi sa bakbakan ay katumbas ito ng paglaya ng limang bihag, pagkamatay ng siyam na terorista at kalayaan ng buong Zamboanga.

“Sa mga ganitong sensitibo at kritikal na misyon, nandyan ang SAF na palagi naming kasama.”

Madamdamin naman ang pagmamalaki ni Insp. Victor Lacwasan ng Force Support Battalion sa mga nasawing commando.

“Sa kanilang mga murang edad, hindi nila alintana ang hirap dahil gusto lang nilang mapalawig ang kanilang kakayahan, ang kakayahan ng unit ng SAF sa pagtugis sa mga terorista.

“Hindi po sila nagreklamo kahit sila ay dayuhan sa lugar na ‘yan. Naintindihan nila kung ano ang paghihirap ng mga mamamayan sa Mindanao kaya ipinagpatuloy nila ang kanilang pagtatrabaho doon na lagpas sa minimum tour of duty ng isang subtrooper para lang madeploy sa isang lugar at may karapatan na siyang ma-rotate pero pinili pa rin nila ang manatili diyan.”

“Remembering them will give us motivation, willpower and determination to continue our mandated task,” ani Supt. Reynald Ariño, commanding officer ng 5th Special Action Battalion.

 

vuukle comment

ABRAHAM ABAYARI

DANILO PAMONAG

FORCE SUPPORT BATTALION

LIGHT REACTION REGIMENT

RAPID DEPLOYMENT BATTALION

REYNALD ARI

SPECIAL ACTION BATTALION

SPECIAL ACTION FORCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with