Pahayag ni PNoy sa SAF 'misencounter' mamayang gabi
MANILA, Philippines - Nakatakdang magbigay ng pahayag si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules ng gabi kaugnay ng pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP).
Ganap na 6:30 ng gabi inaasahang magpapaliwanag si Aquino sa publiko kasunod ng 'misencounter' sa pagitan ng SAF at ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi kahapon ng pamunuan ng PNP na hindi alam ng matataas na opisyal ang operasyon ng SAF sa Maguindanao
Tinugis nitong Linggo ng mga awtoridad ang Malaysian terrorist bomb maker na si Zulkifli Abdhir o "Marwan" na may $5 milyong patong sa ulo.
Ayon sa PNP ay napagay ng SAF si Marwan ngunit bigong madala ang bangkay niya.
Sa pag-atras umano ng mga pulis sa lugar ay nakaengkwentro naman nila ang BIFF.
Sa pagkamatay ng mga SAF ay naapektuhan ang peace talks sa pagigan ng gobyerno at ng MILF.
- Latest