OFW sa Taiwan, hulog sa kanal, tigok
MANILA, Philippines – Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kumpirmadong nasawi matapos na aksidenteng mahulog sa isang kanal at malunod sa Taiwan.
Sa report na tinanggap ni Administrator Rebecca Calzado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kay MECO Labor Center, Taipei Deputy Director Evelyn Laranang, kinilala ang namatay na OFW na si Exell Florendo Ordinario, na natagpuang lumulutang. Ang insidente ay naganap noong Enero 20 sa pagitan ng alas-9:00-9:30 ng gabi sa isang malalim na kanal.
Nabatid na umalis si Ordinario sa company dormitory ng 5:30 ng hapon ng nasabing araw upang uminom sa isang tindahan ngunit pabalik sa dormitoryo ay nahulog sa kanal.
Nakita ng isang testigo ang bisekleta na gamit ng biktima na nakabalandra kaya agad na tumawag sa Taiwanese rescue team dakong alas-10:00 ng gabi ngunit patay na ang biktima ng makuha mula sa nasabing kanal.
Agad na tinawagan ng pulisya ang employer o Taiwan Broker (Pan-Asia) ng nasawing OFW para maipaabot ang insidente sa pamilya nito.
- Latest