4 probisyon sa BBL pinasususpinde sa Kongreso

Nagprotesta sa harapan ng tanggapan ng Senado ang mga kababaihang Muslim mula sa iba’t ibang grupo sa Metro Manila upang hilingin  sa mga mambabatas na madaliin ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law. Unang hiniling ni Senador Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapahinto ng pagdinig ng BBL kasunod ng brutal na pagpatay sa 43 miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao. (Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines – Dahil sa pagkamatay ng 43 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa isang engkwentro sa Maguindanao, ipinasususpinde ni House Defense Committee Rodolfo Biazon sa Adhoc Committee on the Bangsamoro ang diskusyon sa apat na pangunahing probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL)

Sa House Resolution 1834 na inihain ni Biazon, hiniling nito sa Adhoc Committee na huwag munang talakayin ang probisyon ng BBL sa Defense and National Security; paglikha ng hiwalay na AFP command sa ilalim mg Bangsamoro;  ang kapangyarihan ng itatalagang Chief Minister ng Bangsamoro sa lokal na PNP doon at ang probisyon sa normalization process.

Inoobliga rin ni Biazon ang joint ceasefire committe ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, AFP, PNP at lokal na pamahalaan ng ARMM na magsagawa ng magkakahiwalay na imbestigasyon sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, bago pa man muling pag-usapan ang apat na nasabing probisyon.

Show comments