^

Bansa

Ina ng nasawing volunteer bibigyan ng trabaho

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyan ng job referrals ng gobyerno si Judy Padasas, ang ina ng volunteer worker na si  Kristel Padasas na namatay sa misa ni Pope Francis sa Tacloban kung nanaisin nitong huwag ng bumalik sa Hong Kong bilang OFW.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte nakahanda na ang mga tulong na ibibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa ina ng namayapang si Kristel kabilang na ang pag-aalok ng trabaho dito sa bansa.

Kasama umano sa ibibigay kay Judy ang mga business counseling at financial literacy trainings kung nanaisin nitong magnegosyo.

Maari rin umanong mangutang sa OWWA si Judy para sa pagtatayo ng negosyo.

Mayroon na umanong P2 bilyong loan facility ang OWWA at maaring mangutang ang isang OFW ng nasa P300,000 hanggang P2 bilyon para sa negosyo.

Puwede rin umanong makatanggap ang ina ni Kristel ng ‘small livelihood starter kit’ na nagkakahalaga ng P7,500 o livelihood grant assistance na P10,000.

Matatandaan na namatay si Kristel noong Enero 17 matapos bumagsak ang scaffolding na pinagkabitan ng mga speaker na dumagan sa biktima matapos ang misa ng Santo Papa sa Tacloban City Airport. (Malou Escudero)

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAL VALTE

HONG KONG

JUDY PADASAS

KRISTEL

KRISTEL PADASAS

MALOU ESCUDERO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

TACLOBAN CITY AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with