^

Bansa

Parusa sa plunder pinababago ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na amiyendahan ang batas sa plunder upang maisama ang parusang “perpetual absolute disqualification” sa mga nagnanais magkaroon muli ng posisyon sa gobyerno.

Sa kanyang Senate Bill 2568, sinabi ni Santiago na ang public office ay kasing halaga ng ‘public trust’ o tiwala ng publiko at dapat mataas ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga mamamayan.

Pero sa kabila aniya ng pagsisikap ng mga tapat na mamamayan at mga public servants na sugpuin ang korupsiyon napakarami pa ring opis­yal ng gobyerno ang nagnanakaw sa kaban ng yaman.

Sa ilalim ng Republic Act 7080, ang plunder ay isinasampa sa mga opisyal at maging emple­yado ng gobyerno na pinaniniwalaang nagkamal ng pera ng taumbayan na aabot sa P50,000,000.

Ayon kay Santiago, ang nagnanakaw ng nasabing halaga mula sa kaban ng bayan ay hindi na dapat payagang makabalik sa public office.

Naniniwala rin si Santiago na dapat amiyendahan ang batas upang hindi na makatakbo sa anumang public office ang isang nasentensiyahan ng plunder kahit pa nabigyan ito ng presidential pardon.

Bagaman at hindi binanggit sa panukala ang kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, ito ang unang presidente ng bansa na nahatulan sa kasong plunder pero na­bigyan ng pardon at muling nakabalik sa public office at nagsisilbi nga­yong mayor ng Maynila.

May mga ulat pa na posibleng tumakbo sa mas mataas na posisyon si Estrada.

AYON

BAGAMAN

MAYNILA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NANINIWALA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

REPUBLIC ACT

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with