Sangguniang Kabataan gun ban sa Pebrero 6 pa

MANILA, Philippines - Sa halip na kahapon, sa Pebrero 6 na ang simula ng Sangguniang Kabataan (SK) gun ban.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, sususpendihin muna ng 15 araw ang gun ban bago ilabas ang pinal na desisyon kung ipagpapaliban na naman ang SK polls.

Pagkatapos ng 15 days suspension ay mabibigyan na ng linaw kung matutuloy ang election ngayong taon o isasagawa ito sa 2016.

Noong Nobyembre ay hiniling na ng Comelec na ipagpaliban ang halalan sa SK dahil pinaghahandaan nila ang national election sa 2016.

Giit niya malaking abala ang SK elections sa preparasyon nila sa national elections lalo na’t hindi pa plantsado ang Reform Bill para sa mga kabataan.

Hiling ngayon ni Brillantes, tapusin hanggang Oktubre 2016 ang Reform Bill para ihanda ang kabataan sa nasabing election.

Sayang din aniya ang pondong P1 billion para sa SK kung matatapos kaagad ang termino ng uupong SK officials sa Oktubre 2016.

 

Show comments