Erap ’di na puwedeng tumakbo sa pagkapangulo - Macalintal

Alkalde  Joseph Estrada.  File photo

MANILA, Philippines - Bagama’t nalusutan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang disqualification case laban sa kanya sa Korte Suprema, hindi na ito maaaring tumakbo pa sa pagkapangulo.

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, nakasaad ito sa isang provision  sa Konstitusyon na sina­sabing hindi na maaaring tumakbo pa ng reelection ang isang presidente. “Ang magiging question can he run for president, considering the provision of the Constitution that any elected president cannot run for any reelection. Maliwanag ang sinabi: any reelection. So you cannot run for any reelection. The word ‘any’ -- yun ang catch dun,” ani Macalintal.

Kinontra naman ito ng abogado ni Estrada na si Atty. George Erwin Garcia kung saan sinabi nito na ipinatutupad lamang ito sa incumbent presidents.

Layon ng provision na mapigilan ang pangulo na abusuhin at gamitin ang pondo ng Office of the President para sa kanyang pananatili.

Paliwanag ni Garcia, kung ito ang argumento ni Atty. Macalintal kahit sinong incumbent o dating pangulo ng bansa ay hindi na maaaring tumakbo sa pagka-presidente.

Kamakalawa ay sinabi ni Estrada na hindi niya isinasara ang kanyang planong pagtakbo sa ibang posisyon.

Aniya, ang taumbayan pa rin ang magdedesis­yon kung nais pa siyang  patakbuhin sa susunod na taon.

Show comments