MANILA, Philippines - Nagpalagan ang mga pulis na nagbantay sa Papal visit matapos umanong bawasan ang kanilang allowance.
Nagreklamo ang mga nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) dahil P700 lang ang natanggap nila sa halip na P2,400 bawat isa para sa 7 araw na field duty matapos na ideploy ng advance sa papal visit. Ang PSPG ay pinamumunuan ni Chief Supt. Manuel Felix.
Maging ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Sr. Supt. Joel Pagdilao ay nakaranas din ng ganitong problema.
Nakarating na kay PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina ang pangyayari at agad itong nag-utos ng imbestigasyon.
Nasa 28,000 pulis ang ikinalat ng PNP para magbigay seguridad kay Pope Francis at sa lahat ng aktibidad nito sa Metro Manila at Leyte mula Enero 15-19.
Nakatakdang ipatawag ang ilang opisyal upang bigyang linaw ang reklamo. (Joy Cantos)