^

Bansa

LRT-MRT fare hike ‘di na mababawi - PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan kahapon si Pangulong Aquino na hindi na nito mababawi ang ipinatupad na fare hike sa MRT at LRT sa kabila ng maraming pakiusap ng iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ilang ulit nang ipinaliwanag ng Pangulo ang kanyang panig sa fare hike sa MRT at LRT upang magamit sa ibang proyekto ang inilalaang subsidy ng gobyerno dito.

Ilang ulit na anyang ipinagpaliban ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa LRT at MRT kaya napapanahon na rin upang ipatupad ito na nagsimula noong Enero 4.

Magugunita na ilang grupo ang lumiham mismo kay Pangulong Aquino na humihiling na ipatigil na nito ang fare hike dahil ang mahihirap na commuters ang apektado ng pagtataas ng pasahe sa nasabing mass transport system. (Rudy Andal)

ENERO

FARE

ILANG

MAGUGUNITA

NANINDIGAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with