^

Bansa

Pope Francis, babalik sa 2016?

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na pagpapasya na ni Pope Francis kung babalik pa ito sa bansa sa susunod na taon upang dumalo sa isang banal na pagtitipon sa Cebu.

Sinabi ni Cardinal Tagle sa media briefing sa Villamor Airbase matapos makaalis si Pope Francis, inimbitahan na ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang Santo Papa na dumalo sa 51st International Eucharistic Congress na gaganapin sa Cebu sa January 2016.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagpapasyang ito ay nasa Santo Papa kung nanaisin niyang bumalik sa Pilipinas para sa nasabing Eucharistic Congress in 2016.

“The Philippines will host next year, in January next year, the 51st International Eucharistic Congress. It will be held in Cebu. Again, another international event. The last Eucharistic Congress was held in Dublin in Ireland,” wika pa ni Tagle.

Nagpasalamat si Tagle sa lahat ng tumulong para sa matagumpay na papal visit mula sa hanay ng gobyerno at taumbayan.

AYON

CARDINAL TAGLE

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CEBU

EUCHARISTIC CONGRESS

INTERNATIONAL EUCHARISTIC CONGRESS

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO TAGLE

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

TAGLE

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with