Pope Francis nakaalis na ng Pinas

MANILA, Philippines – Nakaalis na ng bansa ang Santo Papa matapos ang kanyang limang araw na state at apostolic visit.

Lumipad si Pope Francis sakay ng Philippine Airlines pabalik ng Roma bandang 10:12 ng umaga.

Inaasahang darating sa Roma ang pinakamataas na pinuno ng simbahan ganap na 5:40 ng hapon sa oras ng Pilipinas.

Mas maraming tao ang nag-abang kay Pope Francis kumpara ng siya ay dumating nitong Huwebes sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Sa kanyang panghuling misa kahapon sa Quirino grandstand ay hindi bababa sa apat na milyong katao ang dumalo.

Naging makabuluhan ang pagbisita ng Santo Papa sa bansa kung saan maraming Pilipino ang lalong nagmahal sa kanya dahil sa kanyang mga pangaral.

Show comments