Maulang Tacloban sumalubong kay Pope Francis

MANILA, Philippines – Mainit na sinalubong ng mga taga Tacloban, Leyte ang Santo Papa sa kabila ng malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong “Amang” ngayong Sabado.

Dumating si Pope Francis bandang 8:50 ng umaga sakay ng Philippine Airlines, kung saan sinalubong siya ni Palo Archbishop John Du.

Tulad ng mga Katolikong nag-aantay sa kanya, naka-suot din ng dilaw na kapote ang Santo Papa.

Ipinagbawal ang paggamit ng payong bilang bahagi ng seguridad.

Nagdaraos ngayon ng banal na misa si Pope Francis.
 

Show comments