Elevated Skyway isasara sa Papal visit

MANILA, Philippines - Para bigyang daan ang makasaysayang pagbisita sa bansa ni Pope Francis, inabisuhan ng Skyway Ope­rations and Maintenance Corporation (SOMCo) ang publiko na ang elevated Skyway system ay isasara ang northbound at southbound traffic sa Jan. 17-4:30am-8:30am, 3pm-7pm; Jan. 19-8am-10:30am.

Samantala ang at-grade portion ng Skyway system mula Alabang to Magallanes, ay mananati­ling operational.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang at-grade section o dumaan sa mga alternate routes sa nabanggit na mga petsa at oras.

Show comments