Giyera vs illegal drugs idineklara ni Hagedorn

MANILA, Philippines - Nagdeklara kahapon ng total war laban sa illegal drugs si Palawan Rep. Douglas Hagedorn dahil na rin sa tumataas na drug-related cases sa Puerto Princesa City.

Ginawa ni Rep. Hagedorn ang pagsusulong ng total war laban sa illegal drugs matapos kumpirmahin mismo ng Philippine Drus Enforcement Agency (PDEA) na 15 mula sa 34 barangays sa Puerto Princesa City ang itinutu­ring na ‘hot spots’ ng illegal drug trade. Hindi naman tinukoy kung ano-anong barangay ang mga ito.

“I will exhaust all efforts, even to the point of using my own money in our ‘War vs Drugs’--only to ensure that Puerto Prince­sa becomes a narcotics-free city, once more,” wika ni Hagedorn.

Mismong si PDEA director-general Arturo Cacdac ang nagkumpirma sa harap mismo ng may 200 participants sa ginanap na Barangay Drug Clearing Operations sa Puerto Princesa City na 15 mula sa 34 na barangay sa lungsod ang binabantayan ng PDEA dahil sa pagiging ‘hot spots’ ng mga ito sa droga.

Ayon pa sa mambabatas, mismong mga matitinong barangay officials ang naalarma sa pagkalat ng illegal drug trade sa kanilang lungsod, isang taon matapos ang termino ng kanyang kapatid na si Mayor Edward Hagedorn.

Sa monitoring ng local PDEA ay nagmumula sa Maynila at Mindanao ang illegal drugs sa pamama­gitan daw ng air cargo at sea crafts ng sindikato ng droga na nag-ooperate sa South at North Palawan.

Sa panahon ni Mayor Hagedorn ay itinayo nito ang Task Force Drug Enforcement Action Division (DEAD) upang labanan ang illegal drugs hanggang sa makamit ng lungsod ang “drug-free city”.

Show comments