Pope Francis, PNoy nagpalitan ng regalo
MANILA, Philippines - Sa pagbisita sa Malakanyang, nakagawian na ang pagpapalitan ng regalo tuwing may dumadalaw na head of state.
Nabatid na isang 50-peso at 500-peso commemorative coin at dalawang talampakang taas na imahen ng Birheng Maria ang handog ni PNoy sa lider ng Vatican.
Ang kahoy na ginamit sa imahen ay mula sa punong acacia na natumba sa pananalasa ng bagyong Glenda. Ito ay nililok ni Fred Baldemor na mula sa Paete, Laguna. Matatandaang isang deboto ni Maria ang Santo Papa.
Isang lumang mapa naman ang sinasabing handog ni Pope Francis kay Aquino.
Samantala, ang ibinigay namang souvenir ng Palasyo sa may 80-man Vatican Accredited Media (VAM) na kasama ng Papa sa pagbisita sa Pilipinas ay isang miniature jeepney na kulay dilaw, isang kilo ng kapeng barako at dried mangoes.
- Latest