TINGNAN: Regalo ni Pope Francis kay PNoy

MANILA, Philippines – Inabutan ni Pope Francis ng regalo si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Biyernes nang mag-courtesy call ang Santo Papa sa Malacañang.

Inilabas ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines ang larawan ng regalo ng Santo Papa sa kanilang website.

Nagkaroon ng closed-door meeting ang dalawang pinuno matapos lagdaan ni Pope Francis ang guest book ng Palasyo.

Magtatagal ang Santo Papa sa bansa hanggang Lunes, kung saan kabilang sa kanyang itineraryo ang pagbisita sa mga biktima ng bagyong “Yolanda” sa Leyte bukas.

Show comments