MANILA, Philippines - Gawing fiesta ang Luneta sa Linggo.
Ito ang panawagan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas kasabay ng pagsasagawa ng misa ni Pope Francis sa Linggo sa Luneta.
Ayon kay Villegas, hindi dapat isipin ng mga Pilipino ang hirap, gutom at pag-ulan kapalit na masilayan ang Santo Papa.
Hindi dapat na sayangin ng mga Filipino ang Enero 18 o Linggo kung saan magmimisa si Pope Francis na isang karangalan sa bansa.
Aniya, ang Panginoon ay nasa bawat isa sa pamamagitan ni Pope Francis.
Dapat na dalhin ang imahe ng Sto. Niño at sayawin ang Sinulog kasama ng Santo Papa dahil ang Linggo ay pista rin ng Sto. Niño.