Retiradong sundalo nalo ng P160M lotto prize

MANILA, Philippines - Isang retiradong sundalo ng Nueva Ecija ang naging instant multi-millionaire nang manalo ng P160-milyong jackpot sa 6/49 lotto draw noong January 11.

Ayon kay PCSO acting chairman at general manager Jose Ferdinand Rojas, nasolo ng 50-anyos retired soldier ang P160,083,688 prize nang manalo ang tinayaan nitong numero na 06-13-19-31-34-38.

Ang lone winner na may isang anak ay nagsabing nag-early retirement siya upang mabigyan ng sapat na oras ang pamilya.

May 20 taon nang tumataya sa lotto ang lone winner at tumaya ito ng P40.00 sa winning combination.

Sinabi ni Rojas na plano ng retiradong sundalo na magtayo ng negosyo at bumili ng bahay at lupa para sa pamilya at bibigyan din ng balato ang mga kapatid at kanyang mga magulang.

Show comments