‘Prayer warriors’ nagkaisa kay Pope

MANILA, Philippines - Nagkaisa kahapon ang multi-faith Chaplain Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para ipagdasal ang kaligtasan at tagumpay ng 5-day visit  ni Pope Francis sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng binuong ‘prayer warriors’ para sa suportang ispiritwal na taimtim na mananalangin sa kaligtasan at pag-iral ng kapayapaan ng papal visit mula ngayon hanggang Enero 19.

Nag-isyu ng direktiba si AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., sa lahat ng AFP Chaplain Service para mag-alay ng panalangin sa makasaysayang pagbisita ng Santo Papa sa bansa.

“Religion is not a barrier among our soldiers and General Catapang has directed our prayer warriors in the Chaplain Service to lead the faithful in asking our Lord for divine assistance,” pahayag ni AFP spokesman Col. Restituto Padilla.

Maglalaan ng holy hour ang ‘prayer warriors ‘tuwing alas-7 ng umaga umpisa ngayong araw hanggang sa pag-alis nito sa bansa sa Enero 19.

May 67 Catholic Cha­plains ang AFP na may kabuuang 91,067 mga military personnel na na­bibilang sa Katoliko ang relihiyon. Nasa 20 naman ang mga Protes­tante at Muslim na mga Cha­plains ng AFP.

Show comments